:: complete and incomplete thoughts, daydreams and illusions ::
Mag-isa siya.
'Yun ang una kong napansin.
Hindi naman sa hindi pa'ko nakakikita ng taong mag-isa, pero kakaiba talaga ang hitsura ng babaeng mag-isa. Lalo na kung maganda.
Pero mag-isa siya.
Naka-upo siya sa isang sulok, nagsusulat, at mag-isa.
Ano kaya ang kanyang iniisip?
Sino kaya ang kanyang iniisip?
Mayroong ayos ang kanyang mukha na hindi ko maipinta.
O hindi nga ba?
----
Hindi ako nagtaka nung nakita ko siyang walang kasama.
Lahat naman yata ng dibuhista ay ganoon. Sanay, na mag-isa.
Dahil mahirap nga namang gumuhit nang may kasama.
Maguguluhan ka lang sa gawain mo.
Kagaya ko, na nais ding mapag-isa.
Para makapagsulat ako ng tungkol sa kung anuman ang iniisip ko.
Gaya ng... Kung bakit, kahit lagi siyang lumalayo sa mga tao, para mapag-isa kasama ang mga iginuhit niya, hindi siya nawawalan ng kaibigan.
Samantalang ako, na minsan lang naman lumayo sa kanila, 'eh laging napag-iiwanan.
Ano kaya ang misteryong bumabalot sa pagkatao niya?
Bakit, kahit wala siyang kasama, hindi pa rin siya mukhang malungkot sa pag-iisa?
Ang hitsura niya ay parang tula.
Parang tula.
----
Malakas ang hangin na umihip at pareho nilang nabitiwan. Mga gawaing parehong pinaghirapan. Isang gawa sa mga linya, isa sa mga salita. Ngunit parehong tungkol sa iisang paksa.
Kung bakit sila'y nag-iisa, samantalang sila'y dalawa.
Siguro dahil na rin kasi araw-araw akong sumasakay ng dyip kaya hindi ko na talaga pinapansin ang mga katabi ko. Aksaya lang sa oras. Hindi mo naman sila matatandaan lahat. At hindi mo naman sila kailangan tandaan kasi hindi mo nanaman sila makikita uli. O kung makita mo man uli, hindi ka naman nila maaalala. Pero kahit pa magkaalalahanan kayo, ano rin naman? Hindi naman kayo magkakilala. Alangan namang bigla na lang kayong maging magkaibigan dahil lang nagkakasabay kayo sa dyip. Hindi realistic.
I for one, have never heard of anyone meeting anyone in a jeepney. Ano sila, Kano? 'Yung kung sinu-sino ang kinakausap kahit ayaw naman silang kausapin? Hindi lang talaga uso dito 'yon. Maski pa kaunti lang kayo at mahabang biyahe, pwera na lang siguro kung mayroong holdapper at lahat kayo maiiyak at magagalit sa kanya kaya kayo biglang magkakampihan. Pero ibang circumstance na naman 'yun. Kahit naman wala ka sa dyip o sa pampublikong sasakyan, basta may holdapper sa paligid 'eh magkakampihan kayo ng mga kasama mo.
Pero paano ba 'yung circumstance na kapag nakababa ka na ng dyip? Ganoon pa rin ba 'yun? Hindi mo pa rin kakausapin 'yung kung sinumang kasabay mo? Kahit sa araw-araw na'ng bumababa ka ng dyip 'eh napansin mong bumababa din siya, at maglalakad sa parehong hintayan ng tricycle na nilalakaran mo, at pipila din, at maghihintay din kagaya mo. Paano kung pagdating ng kinabukasan 'eh napansin mong pati pagsakay mo ng dyip 'eh kasabay mo na rin siya? Hindi pa rin ba kayo magkakilala noon?
Kung sa bagay, hangga't hindi ka naman kinakausap, bakit mo siya kakausapin? Hindi nga naman kultura dito 'yung kumakausap ng kung sinu-sino na lang. Pero paano kung kinausap ka na nga? Sasagot ka ba? Ituturin mo na bang kakilala mo 'yung tao? Kung sinabihan kang,
"Miss, may barya ka sa one hundred?"
Tapos meron ka ngang barya? Anong gagawin mo? Sasagot ng, "Ah, sandali," tapos mangangalkal sa wallet para sa barya tapos magpapalitan kayo ng pera para may ipambayad siya. Tapos na bang usapan noon at babalik uli kayo sa dati na hindi kayo magkakilala? 'Eh paano kung bigla mo siyang narinig na sinabing,
"Boss, bayad ho, dalawa."
Magpapasalamat ka ba? Magpapakilala? Mang-iisnab? Magbabayad pa rin kahit alam mong wala naman siyang ibang kasabay sumakay ng dyip kundi ikaw? O mag-iisip nang ganito hanggang siya na mismo ang magsalita ulit at sabihing,
"Ako pala si Mark," sabay offer ng kamay na alam mong kakahawak lang ng barya mong marumi kaya hindi mo talaga gustong hawakan pero nahiya ka na rin kaya nakipagkamay ka at nagsabi ng, "Angela."
Siguro naman kung ganoon ang sitwasyon, magkakilala na nga kayo, diba? Ang tanong, bakit hanggang sa paghihintay ko ng dyip matapos ang klase ko 'eh nakita ko ulit siya sa labas ng eskwelahan, 'eh sigurado akong hindi siya sumasakay hanggang umabot na sa Perpetual 'yung dyip dahil 'dun ang eskwelahan niya. Bakit bigla siyang lumitaw sa sakayan sa may Casimiro kung saan ako lumalabas? Paano niya nalaman in the first place na 'dun ako sumasakay 'eh ang madalas lang naman namin na magkasabay na oras 'eh 'pag pauwi na sa Almanza?
"Angela," tawag niya at sabay ngiti.
"Uy, nandito ka?" tanong ko.
"Wala lang, naisip ko lang, sabay na tayo, pareho naman tayo ng uuwian 'eh."
"'Eh ba't nagpunta ka pa dito? Magkakasabay rin naman tayo kahit maghintay ka lang sa school n'yo," sabi ko. Totoo naman 'eh.
Natawa siya. "Sabagay, pero gusto ko lang makasiguro. 'Eh paano na kung may iba kang nakasabay sa dyip?"
Napataas 'yung kilay ko. "Lagi naman akong may mga kasabay sa dyip 'eh. Ikaw ba wala?"
Umiling siya. "Walang kagaya mo."
Natawa ako, at nag-ikot ng mata. "Umuwi ka na nga!" insulto ko.
"'Yun nga gagawin ko," sagot niya. "Ano, tara? O gusto mo kumain muna?"
Napa-isip tuloy ako. Tutal, magkakilala na naman kami. At alam kong ang bahay niya 'eh 'yung sa kabilang street lang mula sa'min, at nanay niya 'yung isang officer sa Village Association. "Sige na nga," sabi ko kahit alam kong kung kumain pa kami 'eh madilim na 'pag pasakay na kami ng dyip. Okey lang naman siguro, may kasabay naman ako.
WAKAS
10.17.05 03:21
distantorigin on CROSSING THE STREET
Mo'nonymous on CROSSING THE STREET
today
August 2008
July 2008
June 2008
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
June 2007
May 2007
April 2007
February 2007
November 2006
October 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005