:: complete and incomplete thoughts, daydreams and illusions ::
Hindi ako ang napapagod
Hindi ako ang napipikon
Hindi na nga raw ako nadala-dala
Pero kasi naisip ko
Hindi ba, ganito lang naman talaga ang buhay?
Kailangan maghintay
Kailangan mabigo
Kailangan bumangon muli
Kailangan hindi mawalan ng pag-asa...
Pero sabi nila
May mga laban daw na hindi na dapat ipinaglalaban
May mga bagay na 'di na dapat pinakikibagayan
Mayroon lang talagang mga pangyayaring dapat tinatanggap na lang.
Kailangan ko nang mag-sawa.
Kailangan ko nang sumuko.
Kailangan ko nang huminto.
(Kailangan ko na ng bagong hobby.)
Kung mahal ko pa daw ang sarili ko
at ayaw kong masaktan pa ng lalo.
Pero
Kung masasaktan lang rin naman ako
(kahit ano pang mangyari)
tumigil man ako ngayon o balang araw
at hindi rin naman ako magiging masaya
(nang wala siya)
Para saan pa ang pagsunod sa mga payo nila?
Para saan pa ang pag-iisip ng tama?
Anong kaibahan ng masaktan ka sa pagpilit sa sarili mong malimutan siya
at ng masaktan ka sa hindi paglimot sa kanya?
Bakit ka pa mag-aabala, gayung alam mo naman na matapos man ang lahat ngayon, bukas, kahapon, magpakailanman,
hindi maipagkakaila
na para sa kanya
wala namang nagsimula.
distantorigin on CROSSING THE STREET
Mo'nonymous on CROSSING THE STREET
today
August 2008
July 2008
June 2008
May 2008
April 2008
March 2008
February 2008
January 2008
December 2007
November 2007
October 2007
September 2007
August 2007
June 2007
May 2007
April 2007
February 2007
November 2006
October 2006
August 2006
July 2006
June 2006
May 2006
April 2006
March 2006
January 2006
December 2005
November 2005
October 2005
September 2005
August 2005