start your own blog now!
 
Read other blogs...

My Scratch Pad

:: complete and incomplete thoughts, daydreams and illusions ::

About me

Blogger:
I believe in magic.

Contact me
My profile
Linkme
Subscribe to this blog

Links

Counter

visited *loading* times

Tuesday, 21 November 2006
Up?grade

Bakit kinakailangan pang
mag-upgrade ang software n'yo?
Nawalan tuloy
kayo ng trabaho
Papasok na lang, pero hindi magtatagal
at okey lang na sa lunch break mabagal
Wala namang mawawala
Walang madedelay
Wala namang dumarating na Urgent, Due Today.

Ayan tuloy hindi ka makapag-OT
maaga ka pang makakauwi
Siguro dapat natutuwa ako
na hindi ka gaano pagod,
routine mo'y nagbago
Pero wala akong ibang maisip kundi
ang hindi mo pag-upo sa aking tabi
Ang pag-alis mong agad-agad
ang wala man lang pasabi
ang biglang paglalaho
ng iyong mga ngiti.

Sana matapos nang pag-aayos
sa lahat ng software na gamit n'yo
Nang mas-matagal kitang makita
nang magkakilala pa tayo.

by: distantorigin at 04:06 | link | comments

Friday, 10 November 2006
OT

Kung OT rin lang
ang pag-uusapan
panalo na'ko diyan
basta't may kasabay
tuwing uwian
o 'di kaya
'pag walang tulugan
Basta't hanggang
umuupo ka riyan
Kahit ilang oras pa
ilang araw, ilang linggo
kitang tulungan
Hindi kita iiwan.

by: distantorigin at 06:15 | link | comments